Nararamdaman mo na ba ang malamig na simoy ng hangin tuwing Disyembre? Naririnig mo na ba ang boses ng mga bata tuwing gabi? Mga palamuting isinasabit saang parte ng mga bahay? At iba pang sumisimbolo ng Kapaskuhan. Dahil papalapit na ang Pasko narito ang mga halimbawa ng mga tradisyon ng mga Pinoy tuwing Pasko.
Noche Buena
Ito ay isang selebrasyong di mawawala tuwing pasko ng mga Pinoy. Ito ay paran ng pagsalu-salu ng mga pamilya na nagaganap tuwing bisperas o gabi bago sumapit ang pinaka-araw ng Pasko. Tuwing Noche Buena, naghahanda ang mag-anak ng mga panghating-gabi pagkaing, kasama ang mga prutas na hugis bilog.
Karoling
Ipinagdiriwang ng mga kabataan ang pasko sa tradisyonal na kantang pamasko, pumupunta sa iba't-ibang bahay at kumakanta ng kantang pamasko gamit ang gawa-gawa na tamborine na gawa sa mga tansan at wire. Ang mga kabataan ay umaawit at naka-antabay sa nagmamay-ari ng bahay na bigyan ng pabuya tulad ng barya.
Simbang Gabi
Isang kaugaliang pagdaraos ng Santa Misa tuwing panahon ng Kapaskuhan. Tinatawag rin itong Misa-de-galyo. Isa itong misang idinaraos bawat madaling araw sa loob ng siyam na araw bago sumapit ang araw ng Pasko. Nagsisimula ang pagmimisa tuwing ika-16 hanggang ika-24 ng Disyembre, Bukod dito, kaugnay ng paniniwalang matutupad ang hinihingi kapag nakumpleto ang siyam na misa sa madaling-araw.
Ngayong papalapit na ang Pasko, Ihahanda na natin ang ating mga sarili sa pagkasilang ng ating Panginoong JesuKristo kasama na ang ating mga pamilya, kamag-anak, mga kaibigan dahil ito ang pinakaimportanteng selebrayon na mangyayari sa buong taon.